Saturday, June 5, 2021

Bakit Ganun?

Bakin at ganoon na lamang sila?

Kung nakikinig laang sila sa aming mga pasabi, panukala o kahiman sa aming mga hinaing disin sana'y may unawaan sa amin.

Nakalulungkot lamang dahil naging matibay ang kanilang pinanghahawakang diwa ng nakaraan. Ni hindi nila alintana kung ito man ay mali o tama, mabuti o masama, nasa katuwiran o kalikuan.

Sana, sana dumating ang panahong maging malawak ang kanikanilang kaisipan, nalalaman kong hindi pa ito ang katapusan, hayaan nating ang panahon at ang mga kaganapan ang maging lunas sa kanila.

(Avestruz | 06/05/2021)

No comments:

Post a Comment

Recent Blog

No to Communism!

(© Redbubble) Mula noon at hanggang sa panahong ito ay marami nang ambag sa kasaysayan ang bulok na ideolohiyang "communismo", mga...

My Popular Blogs