Wednesday, June 9, 2021

No to Communism!

(© Redbubble)

Mula noon at hanggang sa panahong ito ay marami nang ambag sa kasaysayan ang bulok na ideolohiyang "communismo", mga ambag sa kasaysayang pagkitil ng buhay at pagsamsam ng mga ari-arian, at marami pang ibang kasalaulaan.

Sa kasalukuyan, maraming mga samahan ang nagtataguyod ng ideolohiyang "communismo" nguni't nangagkukubli ang ilan sa mga maskara at sa pamamagitan ng salitang "demokrasya"

Halina't lansagin at 'wag nang tangkilikin pa ang bulok na ideolohiya! Lansagin ang communismo!

"Without the belief in an ever-expanding government, there is no Left."
- Dennis Prager

(Avestruz | 06/09/2021)

Monday, June 7, 2021

Ang aga aga eh...

Oo na Lunes na! Medyo bad trippings ang umaga ah, but it's okay, tinuturing ko na lang na normal yan. Wala naman tayong magagawa e, parang nature na talaga yan...

I hope maging productive ako today, law of attraction! Hahaha!

(Avestruz | 06/07/2021)

Sunday, June 6, 2021

Monday na naman!

Grabe! Bukas Lunes na naman, our lifecycle again will continue hahaha!

So goodluck sa atin especially sa mga kapwa ko mag-aaral, stay strong sa atin mga chong, mahirap man pero kailangan natin 'to!

(Avestruz | 06/06/2021)

Our Obliged Obligation

The 2 Faces

This day parang may dalawang mahalagang bagay:
1. Napagalitan ako kasi late ako sa halos lahat ng bagay na toka ko, hahaha! di naman ako tinatamad pero parang ganun na nga.
2. Bandang hapon, I'm feeling well kasi ang payapa, tuloy-tuloy na pagkilos ko kaya di na napagagalitan. Ang sarap talaga sa feeling na natapos mo yung bagay na tatapusin mo nang walang nagagalit sayo

Ang napagtanto ko lang is maging productive sana tayo may nakakikita man o wala, may nagagalit man o wala, in short, integrity. Tas isa pa, syempre always kalmado dapat.

(Avestruz | 06/06/2021)

Saturday, June 5, 2021

(Untitled)

at 23:58

Patapos na ang araw na 'to, gustong gusto ko nang magpahinga kaso napapaisip talaga ako ng mga bagay na ... ewan ko ba!

Ang gusto ko lang naman talaga ay 'magpahinga', sana kasi maging maayos na ang lahat. Nakakasawa na ang ganitong sistema sa araw-araw na buhay!

(Avestruz | 06/05/2021)

Kami'y mga Tagalog

Sa akin ngang pagninilay ay naalaman ko'ng mga tagalog ang aming lipi. Hangad ko na maitanyag ang tagalog na ari baga ay iniiwan na.

Sana ay magkaroon ng bagong pamantayan sa tagalog, ang tagalog ay manatiling tagalog, ang Filipino ay-awan ko na laang.

Hindi pagiging makaluma ang paggamit nang taal na wika, ito ay sa katutubo bakin at mangahihiya tayo?

(Avestruz | 06/05/2021)

Bakit Ganun?

Bakin at ganoon na lamang sila?

Kung nakikinig laang sila sa aming mga pasabi, panukala o kahiman sa aming mga hinaing disin sana'y may unawaan sa amin.

Nakalulungkot lamang dahil naging matibay ang kanilang pinanghahawakang diwa ng nakaraan. Ni hindi nila alintana kung ito man ay mali o tama, mabuti o masama, nasa katuwiran o kalikuan.

Sana, sana dumating ang panahong maging malawak ang kanikanilang kaisipan, nalalaman kong hindi pa ito ang katapusan, hayaan nating ang panahon at ang mga kaganapan ang maging lunas sa kanila.

(Avestruz | 06/05/2021)

Recent Blog

No to Communism!

(© Redbubble) Mula noon at hanggang sa panahong ito ay marami nang ambag sa kasaysayan ang bulok na ideolohiyang "communismo", mga...

My Popular Blogs